186
kris-aquino
Jan 10, 2018 @ 16:09
By

Kris feeling close friend sa Editor-in-Chief ng Marvel Comics

Ibinibida ni Kris Aquino ang photo op niya at ang anak na si Bimby sa isang foreigner na kilala hindi lang sa entertainment arena sa Hollywood kundi maging sa comic world abroad.

Ang tinutukoy namin ay si C.B. Cebulski, ang bagong promoted na editor-in-chief ng Marvel Comics.

Nakaposte sa IG wall ni Kris ang dalawang photo op ni Cebulski sa kanilang dalawa. Una ay tatlo silang magkakasama ni Bimby.

Ang isa ay ang Marvel head at si Bimby na lang ang magkasama.

Isang rare opportunity kay Kris ang pagkikita nilang ito na inihahalintulad nya sa mga kilalang influential personalities sa international high-fashion industry.

Feeling friend si Kris sa Marvel top man at nagpahiwatig nang pagdalaw nito sa New York sa susunod nilang punta sa nasabing lugar.

@krisaquino, “I think 10 year old boy, or for that matter anyone even just mildly obsessed w/ the Marvel Universe will be thrilled to be @cbcbulki’s friend. Thank you @jiggycruz for introducing Bimb to the newly promoted Editor-In-Chief of Marvel Comics! For us girld, it’s like meeting @voguemagazine;s Anna Wintour or @gucci’s @lailo25 (Alessandro Michelle)…super thrilled for my bunso, Thank you CB, we’ll definitely be visiting you in NYC!”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?