339

By

Kris dedma sa pang-aasar ng mga fan sa panganganak ni Michela

Sharing is caring!

Isa si Kris Aquino sa masipag sumagot sa mga Instagram follower niya. At isa rin si Kris sa paboritong pino-provoke ng netizen.

At dahil nanganak na nga ang Misis ng ex-husband niya na si James Yap at meron na silang babaeng anak ni Michela Cazzola na pinangalanan nilang Francesca Michelle, may nangpo-provoke kay Kris na mag-react o comment sa Instagram account nito.

Itinag pa kay Kris ang isang article nina James at Michela tungkol sa kanilang pamilya at hiniritan ng netizen si Kris na ang layo raw nito sa Misis ni James ngayon, tahimik lang at hindi papansin.

Sinagot ni Kris ang pagta-tag sa kanya ng article nang, “No offense BUT annulled na kami. Life has moved forward.”

At ipinaalala sa basher niya na annulled na sila ng ama ni Bimby.

“Dapat lang po lumayo ako kasi the past is the past and I know how to respect the present.”

Hmmm… bakit may pakiramdam kaming hindi magtatagal at magkaka-ayos-ayos muli sina Kris at James at ang anak na si Bimby ay makakasama rin ang kanyang kauna-unahang baby sister. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?