311

By

Kris dedma pa rin kay Ai-Ai

Sharing is caring!

Nakakaloka na pati ang tanong kung “daks” si James Yap ay sinagot ni Kris Aquino sa kanyang pa-Q&A sa Instagram.

Ang eksaktong tanong ng netizen, “Miss Kris, daks ba si james? Hahaha jokeee love u krissy and josh and bimb.”

Ang safe at smart na sagot ni Kris, “maybe that question is best directed to his current partner? #proper.”

Hahaha!

Natanong din si Kris kung ano ang masasabi niya sa mga comments na dumidikit siya sa hot item at nakiki-ride siya para mapag-usapan.

“Straight answer – together with a small team of believers, we created KCAP. And now after 53 brand partnerships & endorsements – I believe it is unfair to say I rode on anybody’s coattails,” sagot ni Kris.

Yun nga lang hindi na niya sinagot ang kasunod na tanong kung sino talaga ang best friend niya at kung bakit di na sila okay ni Ai-Ai delas Alas.

Kung “I hope so” ang sagot ni Kris sa tanong kung friends pa sila ni Vice Ganda, isang malaking “YES” naman ng sagot niya nang matanong kung magkaibigan pa sila ni Boy Abunda. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?