61

Sep 9, 2020 @ 9:58
By

Kris, Bimby negatibo sa COVID-19

Nilahad na ni Kris Aquino ang “honest truth” tungkol sa mga nangyari sa kanya kamakailan, kabilang ang naudlot niyang pagbabalik sa telebisyon at ang pakikisalamuha niya sa apat na indibidwal na nahawa pala sa coronavirus.

Una, sinabi ni Kris na may piniling iba ang kanyang producer na tingin nito ay mas magtatagumpay kaysa sa kanyang magiging show.

“My hoped-for TV comeback isn’t happening, the producer chose somebody else he and his sales team felt was more viable,” aniya pa sa Instagram, Martes ng gabi.

Hindi na nagbigay ng ibang detalye ang aktres-negosyante tungkol dito.

Samantala, “it’s been a scary month” aniya dahil sa kalagitnaan ng Agosto ay pawang nagpositibo sa COVID-19 ang apat na tao na may “regular, close contact” kay Kris at sa anak niyang si Bimby. Ang panganay niyang si Josh ay nasa Tarlac noon kaya hindi ito na-expose.

Pinagpasalamat naman niyang negatibo silang mag-ina sa nakahahawang sakit.

“Bimb has asthma, i have my autoimmune conditions. Yet we both tested negative, even though we had sustained contact and are high risk individuals,” sey pa ni Aquino.

Nag-isolate aniya sila nang dalawang linggo at sumailalim sa ECLIA test na negatibo uli ang resulta.

“In the big picture of life, we are still fortunate. i would like to believe that i’m now a glass half-full type of person- i no longer wish to focus on what’s not given, rather i am so very grateful for blessings, and YES, our health is the most precious one,” sambit ni Kris.

Nagtitiwala pa rin aniya siyang may darating pang mga oportunidad sa kanya, “all in God’s perfect timing”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?