102

Sep 18, 2020 @ 16:22
By

Kris Bernal pinakawalan ng GMA

Nilantad ng aktres na si Kris Bernal na sa ngayon ay wala siyang network matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa GMA.

Ito ang dahilan kaya nakapag-guesting siya sa TV5, ngunit nagpaalam muna siya sa management ng Kapuso netowrk.

“I informed my bosses about this guesting and they were okay about it. Siyempre, hindi ko ito gagawin kung makakabangga po ako or kung may masasaktan ako, of couse, hindi ko po ito gagawin,” lahad ni Kris sa kanyang vlog.

Dagdag pa niya, wala sa kanyang in-offer ang GMA ngunit nilinaw na wala naman siyang sama ng loob sa network.

“In all honesty, no offer yet because I think everything is still uncertain during these times and I totally understand it,” sey pa ng Starstruck alumna.

“I have no disagreement or issues with my home network and I never had. I think I’ve been really cooperative and really professional with all my dealings with them.”

Kung hindi man siya offeran ng GMA ay handa naman siyang lumipat sa ibang network.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,