245
kris-bernal
Jan 3, 2018 @ 18:05
By

Kris Bernal namamakyaw ng lupain

Sisibat na naman pa-abroad si Kris Bernal at tinatapos lang niya ang taping ng ‘Impostora’ na hanggang sa February pa yata ang airing.

Gusto raw niyang makita ang aurora borealis o ang Northern Lights.

Isa raw ‘yon sa dream destination ni Kris, kaya naman work muna siya nang work at pagkatapos niya sa ‘Impostora’ ay ‘yon ang pinaka-reward niya sa kanyang sarili.

Ngayong February nga ang punta ni Kris sa Iceland.

Bukod sa pagta-travel sa lugar na ‘yon, mag-i-invest na rin daw sa mga lupa si Kris at puwera pa ang ilang food business niya.

Noon daw kasi, puro sa bags at shoes napupunta ang pera ni Kris at ‘yon ang pinaka-reward niya sa sarili kapag masyadong napapagod sa trabaho, pero ngayon daw ay mas wise na siya dahil mga lupa na ang binibili niya na puwede raw tumaas ang halaga.

Teka! Ang pag-i-invest kaya ni Kris ay nangangahulugang lalagay na rin siya sa tahimik?

Eh, balitang sobrang in love si Kris sa kanyang non-showbiz boyfriend na kasosyo niya sa isa niyang business. At please, hindi po DOM ang dyowa niya, ha! (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?