25
abante kris bernal muscle tuyot
By

Kris Bernal mukha pa ring tuyot kahit may muscle na

Sharing is caring!

Ang pagkakaroon nang masel ang isa sa mga goal ngayon ni Kris Bernal na makikita sa kanyang mga pinoposteng photos sa Instagram wall nya kapag nasa working out mode siya.

Ilang mga photos ang nakapaskil na sa IG wall ng Impostora star kung saan talagang puspusan ang pagpapaganda nang katawan nang Kapuso actress.

Ang isa inilalabas pa ni Kris ang kanyang masel sa braso at likod.

@krisbernal, “I may be skinny to you but there’s nothing better than feeling strong and healthy…”

Makikita naman na may mga masels nang nakaporma sa mga parte ng katawan nang aktres lalo na sa kanyang braso, balikat, likod at tiyan.

Yun nga lang hindi pa rin maiiwasang may ilang nagpapayo na magdagdag nang timbang o maglagay nang kanyang kaunting laman ang aktres.

Sa paningin nang iba, hindi nakaka-pagpainit nang dugo ng isang lalake ang pangangatawan ni Kris dahil sobra itong payat.

Kung sa larawan payat na si Kris, mas lalo pa sa personal dahil dalawa o tatlong pounds ang nadadagdag sa itsura ng isang artista pag nasa harap sila nang kamera.

Kain naman nang kain si Kris sa kanyang ibang mga posts. Malakas naman itong kumain pero hindi talaga tumataba ang aktres.

Sa tingin namin, mas magiging appealing si Kris kung may laman siya nang konti. Isa lang ang malaki kay Kris yun ay ang kanyang boobs, ang iba pang parte ng katawan nito ay halos buto’t balat na lang.

Ang batang tignan nang mukha ni Kris pero mukhang tuyot ang kanyang pangangatawan.

Well, sabi nga nila ang hindi maganda sa paningin nang iba, maganda sa paningin ng nagmamay-ari ng kanyang katawan. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?