204

Nov 3, 2017 @ 10:54

Kris Bernal, malapit nang maging ‘bipolar’

Malapit na raw maging ‘bipolar’ si Kris Bernal na siya niyang joke sa sarili kaugnay sa pinost niyang mga on-set scenes sa umeere niyang drama series sa GMA 7, ang “Impostora”.

Dalawang short video na kuha sa taping ng kanyang show ang pinost ni Kris sa kanyang Instagram. Ang isa ay may hawak siyang sinturon at habang nagda-dialogue siya ay pinapalo niya ang kahoy na kama sa harap.

@krisbernal, “Malapit na talaga akong maging bipolar. Just kiddig #impostora #Trivia101 #DualCharacter.”

Ang isa naman ay bumaba siya sa sasakyan at nagda-dialogue nang wala siyang kausap o kabatuhan ng linya.

Sa nasabing serye, dalawa ang katauhang ginagampanan ni Kris na kung hindi pamilyar ang sinumang manonood sa ganitong camera-trick, aakalaing may kakambal nga ang aktres.

Ang posting na ito ni Kris ay para ipakita at ipaalam sa kanyang mga fans kung paano kinukunan ang confrontation scene nila ng kanyang kamukha.

@krisbernal, “Sa mga nagtatanong: Paano naghaharap sina Nimfa at Rosette? One scene of confrontation takes almost two hours. At sa totoo lang, wala akong kausap o ka-eksena. Puro imagination lang. Bawal umalis sa puwesto.
Steady lang para sa framing #Trivia101 #Nimfa #Rosette #DualCharacter #StruggleisReal #Actorslife.”

Siyempre, pinupuri si Kris ng kanyang mga followers at fans sa husay nitong umarte kahit wala naman itong ka-eksena.

Ito ang dahilan kung bakit dyinu-joke ni Kris ang sarili dahil bukod sa kanyang imaginary scenes, magkaiba ang dalawang karakter na pinu-portray nito. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?