146

Dec 23, 2017 @ 16:10
By

Kris Bernal, malaki ang sakripisyo sa ‘Impostora’

Awang-awa ang mga fans at followings ni Kris Bernal sa Instagram dahil sa sakripisyong nararanasan niya sa taping ng kanyang serye sa Kapuso network, ang ‘Impostora’.

Nag-post ng short video niya si Kris sa IG wall na makikitang tinatanggal ang prosthetics sa mukha ng aktres.

Masisilip ang pamimilipit ni Kris sa nararamdamang hapdi habang maingat at dahan-dahang inihihiwalay sa balat niya ang rubber prostethics skin.

@krisbernal, “For today’s taping: three different kinds of prosthetics. Pabalik-balik ang paga-apply at pagtanggal. Hindi lang yan, may glam look pa ko. Whew! Sa #impostora ko lang na-experience ’to! Saludo na talaga ako sa mga artistang nakakagawa ng 2 or more characters in a show!”

Hindi acting ang reaksyon ni Kris sa video dahil maririnig ang wagas na reaksyon niya sa nararamdamang hapdi sa balat.

Hinahawakan na nga ni Kris ang mukha niya na feeling niya marahil ay sasama sa balat niya ang prosthetics.

Makikita ring umaangat ang hita ni Kris sa matinding hapdi nang mga sandaling ‘yun.

Bukod dito, may close-up shot pa ng video sa pagtanggal ng prosthetics sa mukha nito.

Well, isa sa mga top-rated naman ang show ni Kris sa GMA 7 kaya gagawin nito ang lahat mapanatili lang sa high-ratings line up of show ang kanyang serye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?