109

By

Kris Bernal inakusahan na namang anorexic

Sharing is caring!

Napintasan na naman si Kris Bernal at muling naakusahang anorexia sa pinaka-latest na posting nito ng kanyang bikini shot sa Iceland kung saan naroon ngayon ang aktres kasama ang kanyang non-showbiz chinese businessman boyfriend.

Nakaposte sa Instagram ni Kris ang ilang mga sexy photos niya suot ang isang two piece bikini habang nasa Blue Lagoon sya sa nasabing bansa.

Ilan sa mga larawan ni Kris ang nagpakita nang kanyang kaseksihan gaya nang half-body shot niya habang nakatayo at nakasabit ang dalawang kamay niya sa likod, sa hand-railing ng lagoon.

@krisbernal, “relaxing in the warm water but trembling in the cold weather.”

Ang boobs nang aktres ang napuna nang ilang following nya.

@rainebaretto_fanaccount, “ang laki po ng boobs nyo”.

Pero sa isang top shot ni Kris habang nakahawak sa handle railing ng hagdan ng lagoon inulan nang puna sa kanyang payat na pangangatawan ang aktres at sinabihan pang anorexic ito.

@gorgheaaa_19, “Mukha ka na pong nagka anorexia”

@aylabzena, “Hindi bagay pataba ka konti ateh”

@manuelovelyn, “halaaa anong nangyari?”

@grazie0122, “Please gain some weight”.

Pinaghinalaan pang nagda-drugs si Kris ng isa.

@iambonita21, “I have nothing against you but this ain’t healthy anymore parang nagda-drugs.”

Sa larawan makikitang impis ang tiyan ni Kris. Parang patpat rin sa kapayatan ang kanyang braso at binti. Labas ang mga buto ng aktres sa balikat at legs. Parang wala na ring laman ang pisngi nito.

Hindi kasi maganda ang pagkakaka-angulo ng shot shot kay Kris kaya lalong nalantad ang kanyang kapayatan.

Sa mga naunang mga posts ni Kris, may larawan ito sa harap nang maraming pagkain. Ayon sa kanya malakas syang kumain pero hindi siya tumataba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?