91

Oct 3, 2020 @ 16:02
By

Kris Bernal hanep ang workout

Isa si Kris Bernal sa mga aktres na hindi napapabayaan ang katawan kahit natengga sa trabaho.

Sa kanyang TikTok video, pinakita ni Kris ang kanyang toned body matapos ang workout.

Para sa mga nag-aabang sa Starstruck alumna sa telebisyon, nalalapit na ang pagbabalik nito sa small screen dahil nagsisimula na ito ng taping para sa kanyang project sa GMA-7.

Matatandaan na binahagi dati ni Kris na hindi pa siya sigurado sa kanyang TV comeback dahil hindi nag-offer sa kanya ang mother network matapos mag-expire ang kanyang kontrata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?