728

Feb 7, 2018 @ 11:26
By

Kris Bernal, businessman boyfriend boyfriend magkasama sa Iceland

Finally, may lovelife na rin si Kris Bernal ngayon kung ang pagbabasehan ay ang posting nito ng larawan nya sa Instagram kasama ang isang lalake.

Marami na nga ang bumabati kay Kris Bernal at sumusuporta sa estado nang personal life nito ngayon.
Nagposte si Kris sa kanyang IG wall nang photo nya sa loob ng isang restaurant kaharap ang isang lalakeng naka-bonett.

Nasa Iceland si Kris kasama ang nasabing lalake sa magkakasunod na posting nya ng mga photos sa IG wall.
Sa caption ng mensahe niya, nagpahayag ng kanyang kasiyahan ang aktres sa pagkakaroon niya ng isang taong tanggap ang lahat ng kanyang karakter.

Sa huli ng kanyang mensahe, binati nya ng Happy Birthday ang lalakeng kaharap na hindi nya pinangalanan.
Sa Iceland sila nag-celebrate ng birthday nang kanyang boyfriend.

@krisbernal, “Someone who I can be myself with, someone who I can have pointless conversation with, someone who still adores me even when I’m weird, laughs at my silly jokes and still stands beside me even when I do dumb things! I want to wish you all the love and happiness in the world. Happy birthday @cp3xrry”.

Walang profile name sa IG account ni @cp3xrry pero makikita sa photo gallery nito ang ilang mga photos ni Kris Bernal sa magkakahiwalay na okasyon.

May nakahawak pa ng award nya si Kris. Merong nakaupo ang aktres sa harap ng Wall of Fame namenya. Naka-prosthetic make-up pa ang aktres kasama ang boyfriend na dumalaw sa taping ng “Impostora”. Yakap-yakap pa ni Kris ang malaking dog na alaga ng naturang non-showbiz guy.

May isa pang larawan na magkahawak-kamay pa silang dalawa sa loob ng sasakyan.

Base sa mga nakaposteng larawan nang lalake, mahilig ito sa beef meat.

Kahit hindi sinabi ni Kris sa caption na boyfriend nya ang lalakeng kaharap malinaw naman kung ano ito sa buhay niya.

Late last year nang aminin ni Kris na meron siyang dini-date na isang businessman.

Sa interview sinabi ni Kris na kasama nya ito at ilang mga kaibigan sa trip nila sa Korea para maghanap nang ideya sa itatayo nyang Korean resto sa Pinas.

Kung noon sinasabi ni Kris na dating-in pa lang sila. Ngayon base sa message nya, mukhang dyowa na nga nya ang guy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?