By

Kris Bernal bumili ng bonggang bahay sa California

Sharing is caring!

Maraming netizen ang natuwa nang i-reveal ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang bahay na naipundar niya sa Amerika­. Located sa West Covina, California ang two-storey house na nabili ni Kris at nakatira roon ay ang isang kapatid niya.

Kaya raw sobrang sipag ni Kris na magtrabaho at magkaroon ng negosyo dahil gusto niyang may mabili siyang pro­perty sa U.S. at natupad niya iyon.

Nataon kasi na nagkaroon ng show para sa GMA Pinoy TV si Kris sa San Francisco, California kasama si Rocco Nacino. Pagkatapos na mag­hatid ng saya si Kris sa mga Kapuso natin roon, sinamantala na ng aktres ang mamas­yal dahil more than s­even years na rin siyang hindi naka­balik ng U.S.

Wala pang pinagbibidahan na bagong teleserye si Kris pagkatapos ng Impostora, pero huli siyang­ napanood sa teleserye na The Cure.

Nakatutok si Kris sa kanyang food business at sa pagbubukas ng isang Korean restaurant, na business partner niya ang nababalitang non-showbiz boyfriend niya na nagnga­ngalang Perry.

Marami ang humahanga kay Kris dahil marunong itong humawak ng mga kini­kita niya sa showbiz. Hindi nga raw forever ang pagiging artista kaya bago pa man daw dumating ang araw na hindi na siya nabibigyan ng mga projects, at least meron siyang mga negosyo at mga properties na naipundar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?