49

Jul 13, 2020 @ 18:28
By

Kris balik-TV na?

Maraming nag-aabang sa pagbabalik-telebisyon ni ‘Queen of All Media’ Kris Aquino.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, may mensahe ang aktres sa sa network kung ay dapat magkakaroon si Kris ng TV comeback.

Saad niya, hindi pa siya makapag-explain dahil hindi pa klaro ang kanyang mga hawak na detalye tungkol sa network.

“BUT my heart knows that the station where I was to have a block time slot is part of a huge conglomerate that took a risk with me with their prized jewels when I embarked on my digital journey in 2017,” sey ni Kris.

Aniya pa, naniwala siya sa integridad ng lider ng nasabing istasyon.

“When others turned their backs on me, his group opened their doors… kaya simple lang, smart na ko,” ani pa ni Kris.

https://www.instagram.com/p/CCkn8U6hXz5/

May mga usap-usapan na na magkakaroon ng talk show si Kris sa Kapatid network na TV5 na maugong na magsisimula dapat ngayon July, ngunit sa report ng Inquirer.net ay hindi na umano ito matutuloy dahil hindi pag-apruba ng mga opisyal ng network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,