181

Nov 9, 2017 @ 15:10
By

Kris Aquino wala nang ‘K’ sa Queen of all Media title Queen of SocMed dapat

NASA New York City ngayon si Kris Aquino kasama ang kanyang mga anak. Super bakasyon ang mag-iina roon.

Mukhang enjoy naman si Kris, kaya nga ang komento ng ibang mga kaibigan niya, i-enjoy na lang niya ang buhay at huwag na siyang mag-focus pa sa issue tungkol sa nahihirapan siyang makabalik sa mundo ng telebisyon.

In fairness kasi, kahit sa social media accounts lang niya, well-followed naman si Kris at marami-rami pa rin siyang endorsements, huh!

Feeling nga namin, mas pinapanood pa nga ang mga video na pino-post ni Kris sa kanyang social media accounts kesa sa TV show niya noon.

May mga nagsasabi nga pala na dapat ay Queen of Social Media ang maging titulo na ni Kris dahil ‘yon naman ang venue niya to reach her fans.

Pero basta-basta ba papayag si Kris na i-give-up ang titulo niya bilang Queen of All Media?
Well… (JUN LALIN)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?