144

Oct 20, 2017 @ 12:34

Kris Aquino, tanggap na ang kabiguang magbalik-showbiz

Walang dapat ipag-alala ang mga fans ni Kris Aquino sa estado ng buhay ngayon ng kanilang idolo na wala sa harap ng kamera.

Masaya si Kris sa mga kaganapan sa kanyang karera bilang businesswoman at endorser.

Mababasa sa Instagram post ni Kris na nagpapasalamat ito sa Diyos dahil sa sunud-sunod na magagandang opportunities na dumarating sa kanya.

Natapos na ang pangamba ng dating celebrity TV host-movie producer na baka mawalan na siya ng karisma sa publiko.
Sa post ni Kris, mapapanood ang short video ng pagpirma niya ng panibagong endorsement.

At sa caption, inilahad niya ang kuwento ng kanyang pinagdaanan at pangamba matapos masibak sa ere ng ABS-CBN 2.

@kriscaquino, “Soul baring time – there was a period of time when I was depressed & scared that all doors were closing. My sisters were worried because it wasn’t me. I shut down, kept to myself because I didn’t want to burden them with my insecurities.

“My sons & I were financially secure BUT it was painful to not to have a venue to continue doing what I love most-connecting w/ you & entertaining you…But God blessed me w/ a new team that restored my confidence…We chose to just keep going & not give up. And my sisters, sons, & I kept PRAYING.

“Today was victory, because we signed a new endorsement & it is a perfect match for the new online platform we envisioned & continue to build.”

Sinabi rin ni Kris na magsisimula siyang mag-shooting ng kanyang commercial para sa isang pharma company.

“Every day I thank God for sending people my way who believed we could survive the storms & embrace the beauty of life’s rainbow…”

Ibig sabihin, kahit hindi na muna bumalik si Kris sa telebisyon at pelikula ay kuntento na siya sa pagpapalakad ng kanyang negosyo at sa patuloy na pagdating ng mga product endorsements niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?