174

May 7, 2019 @ 13:17
By

Kris Aquino suportado sina Junjun, Nancy Binay

Bukod sa mga opposition bet na sina Chel Diokno at Bam Aquino, suportado rin ni Kris Aquino si reelectionist senator Nancy Binay at ang kapatid nitong si Junjun Binay na kumakandidato naman sa pagka-mayor sa lungsod ng Makati.

Noong Lunes, nagtungo si Aquino sa Barangay Rizal sa Makati kasama ang anak na si Bimby at ang singer na si Erik Santos upang ipahayag ang suporta sa magkapatid na Binay.

Ayon kay Aquino, dumalo siya sa campaign rally dahil sa kaniyang malapit na kaibigang si Anne Binay, kapatid nina Nancy at Junjun.

“Anne, I hope nakabawi na ako from all the times that you so patiently Vibered with me the entire night dahil iritang-irita ako sa mayor ng isang city, ‘yun na. ‘Yung paalis na mayor na ‘yon, ka-birthday niyo pa, that’s life. Okay, good night everybody baka kung ano pa ang masabi ko,” saad ni Aquino sa naturang event.

“It’s a pleasure for an Aquino to have been able to do this for the Binays.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?