1,104

Dec 1, 2017 @ 11:24
By

Kris Aquino, sinorpresa ng Google

Nananatiling mabango at sikat sa paningin ng international offices o agencies si Kris Aquino kaugnay sa welcome treatment na ibinigay sa kanya ng Google sa pagbisita nito sa Singapore branch ng website.

Nakaposte sa Instagram ni Kris ang ilang video at photo shots ng pagbisita niya sa Google at YouTube regional office.

Sa unang video ay makikita sa mga LED screen walls ang iba’t ibang social media at YouTube video ng blog ni Kris.

Nakapuwesto ‘yun sa reception o receiving area ng Google office.

@krisaquino, “I needed to do another edit to share w/ you what a surreal moment I had this afternoon. The LED wall Google Asia Pacific prepared blew my mind! The year & a half that was brought me to my knees, and I thank God it did because my only course of action was to pray. Everything I’ve been through to rebuild has taught me to never take anything for granted & just be GRATEFUL for every opportunity because what is coming my way we fought for & continue to work hard for.

“What @youtube did today for me was to bet on my potential – because at this point that’s all I have. I don’t have the views to subscribers – yet..but they believe my channel (The Aquinos) will.

“So our young company listened to their analytics presentation & we committed to creating content specifically for YouTube. #norturingback #positivity. Goodnight. See you tomorrow Facebook & Instagram regional.”

Ang naunang posting ni Kris ay magkakasama na ang LED walls at ang iba pang videos ng pag-ikot niya sa opisina at photo opt sa ilang mga staff

Makikita ang pagbibigay importansiya kay Kris sa pagbisita niya sa Google dahil may mga balloons pang nakakalat sa ilang bahagi ng opisina nito.

Pumirma sa autograph wall si Kris.

@krisaquino, “Thank you @youtube & Google Asia Pacific for the awesome welcome! I was truly humbled by the importance you gave me. A shoutout of gratitude to Enrique and Pablo!”

Ang sinasabing mga lalaki ni Kris ay ang nagbigay ng tour sa kanya sa buong opisina.

So ibig sabihin nito tuloy-tuloy na ang partnership ni Kris sa mga nabanggit na websites at social media platforms at ang pagri-reyna niya sa mga nabanggit kapag naging in full swing na ang project niya para rito. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?