166

Mar 21, 2021 @ 18:20
By

Kris Aquino sawa na sa STD issue

Binuweltahan na ni Kris Aquino ang mga patuloy na nangba-bash sa kanya, kung saan nadawit pa ang kanyang anak na sina Josh at Bimby.

Sa Facebook video ni Kris na nilabas nitong Linggo, sinabi nito na buhat nang magbanggit siya ng ‘yellow brick road’ sa isang Instagram post, muling umarya ang mga nagpatama sa kanya.

Tingin kasi ng ilang netizen ay nagbabalak pumasok sa politika si Kris.

Isa sa mga isyung inungkat ng mga basher tungkol sa ‘Queen of All Media’ ay ang tungkol sa kanyang naging sexually-transmitted disease, na dating inamin nito noon pang 2003.

“Nagbanggit lang ako ng ‘yellow brick road’ in an art card, default mode na yung line of attack, the STD, lumabas na,” sey ni Kris.

Aniya, hindi niya maintindihan kung bakit ginagamit iyon kontra sa kanya gayong hindi naman niya tinago ang naturang sakit.

“But that happened 18 years ago. Ako mismo ang nag-tell all, I did that live on ‘TV Patrol’… that is an iconic interview,” giit ng TV host/actress.

“How can you use something that I revealed about myself against me?”

Sambit pa niya, wala siyang kinakatakutan na puwede pang malantad sa kanyang buhay dahil alam ng publiko ang lahat ng tungkol sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?