141

Aug 17, 2019 @ 10:14
By

Kris Aquino naiyak kay Kathryn Bernardo

Magang-maga ang mata ni Queen of All Media Kris Aquino matapos mapanood ang pinag-uusapang movie na “Hello, Love, Goodbye”.

Sa vlog ni Kris makikita na pulang-pula ang mga mata nito dahil sa kaiiyak.

Inulan niya ng papuri ang palabas, partikular na ang mga bida nito na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Aniya, “From someone who saw Kath when she was still a teenager, this is excellent work. One of her best if not her best ever, one o the best movies I’ve seen in so long. And si Alden was so perfect with Kath. It was such a perfect team-up.”

Dagdag pa niya, isa ito sa pinakamagandang pelikula ng Star Cinema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?