637

Nov 28, 2017 @ 14:31
By

Kris Aquino, nagbantang reresbak para sa kanyang Ate Ballsy

Hindi pa masyadong lumalamlam ang isyu ni Kris Aquino sa isang fake news, may pinatatamaan na naman ang Queen of All Media sa kanyang latest post.

Sa pagkakataong ito hindi tungkol sa sarili niya ang sentro ng galit nito, kundi para sa kanyang ate.

Nagbabantang reresbak si Kris kapag na-provoke siya at masaktan ng todo ang kanyang ate.

“She’s a Queen with a little bit of savage,” ang pinosteng mensahe ni Kris sa kanyang Instagram wall, at saka sinundan nito ng isang message caption na naglalahad ng kanyang galit at pagbabanta sa mga umiintriga sa kanyang pamilya partikular na sa kanyang favorite ate.

@krisaquino, “This is a simple, CLEAR & REAL message. In our family, I love my siblings. BUT believe it is obvious – my ate is my FAVORITE. By Ate I mean our eldest, we only have 1 ate, everyone else is first name basis only…I could go into a super long story, but this is just an example of my life’s truth – come what may, even at my worst – she still loved me..”

Inamin ni Kris na itinakwil siya ng kanyang pamilya dahil sa hindi matanggap na love affair niya sa isang taong hindi na niya tinukoy. Pero hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang kontrobersiyal na pakikipag-live in niya noon sa action star na si Phillip Salvador. Pero ang kanyang ate ang unang miyembro ng pamilya na dumamay sa kanya.

“…It’s not a secret I was disowned, but when I gave birth to Kuya Josh she was my 1 sibling who was there in the hospital. That’s how she is – she has loved me unconditionally. No judgement, just a reassurance that I’d never be alone because she always believed I’d manage to right my life wrongs – that is FAITH. So this is me saying – HURT HER by spreading more unfounded lies about her and her husband and you will really push me to my very worst.”

May naninira sa kanyang ate at sa asawa nito na siyang dahilan ng galit at pagbabanta ni Kris, kaya naman nagbanta itong ipagtatanggol ang kanyang kapatid.

“…..I mean it when I say for my ate I will take a bullet. Or worse, make the worst nightmare of all Aquino haters come true..P.S. Politics aside. Like this if you’re like me & you LOVE your ate.”

Nagpahiwatig ng kanyang gigil si Kris kaugnay pa rin sa mensahe niya.

@manethb35, “Just love love love.”

@krisaquino, “@maneth35 mahirap i-love ang gusto kang saksakin ng mga KASINUNGALINGAN #truth.”

Sa kabilang banda naman, positive at masaya naman ang isa pang post ni Kris tungkol sa balitang may meeting siya sa mga social media platform gaya ng Google, YouTube, Facebook, Instagram regional office para sa guidance at inputs ng mga ito sa mas malaking net-based projects niya.

Lilipad patungong Singapore si Kris at ang kanyang team para sa 2017 assessment ng social media business nito at ang pagpaplano ngayon ng 2018.

Sabi niya nagsara man ang mundo ng television sa kanya pero tila magtutuluy-tuloy ang pagiging Queen of Social Media platform ni Kris. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?