978

By

Kris Aquino mas sawsawera, naakit sa regalo mula US– Greta

Sharing is caring!

Matinding rebelasyon ang inilabas ni Gretchen Barretto sa kaniyang Instagram account kung saan ay sinagot niya ang paratang sa kaniya na isa siyang sawsawera sa financial issue sa pagitan nina Kris Aquino at Nicko Falcis.

May pinag ugatan aniya ang kaniyang pakikisawsaw at hindi ito basta personal na rason lamang dahil aniya, kung sawsawera siya ay mas malaking pagsawsaw ang ginawa ni Kris Aquino.

Saad ni Greta sa kaniyang Instagram video, tinulungan aniya ni Kris Aquino ang kaibigan nitong si Alice Eduardo na makalusot sa isyung hindi pagbabayad ng buwis ng napakarami nitong ari-arian.

Dagdag pa nito, nalaman niya ang ginawa nito dahil mismong si Alice at ang mga kapatid nito ang nagkakalat ng balita.

Giit pa ni Greta, ang kabayaran lamang sa pagsasaayos ni Kris sa kaso ni Eduardo ay pinagsho-shopping ito ng isang Gary Garcia sa Los Angeles.

Ayon kay Greta, ibinibili ni Garcia ng mga gamit sa US si Kris at ipinapadala ito sa Pilipinas bilang kapalit ng ginawa nito para kay Eduardo.

“Alam namin yun dahil pinagkakalat din ni Alice Eduardo at kanyang mga kapatid na tinulungan ni Kris Aquino at ang halaga lang daw is binabayaran lang daw ng mga pinagsha-shopping ni Gary the gay friend from L.A. Gary Garcia from L.A parang he would buy things from the States and send it to Kris Aquino,” ani Greta.

“Of course I felt so bad because alam mo for whatever yung mga pinag-sha-shopping lang, yun lang? Parang ha? And she was supposed to pay a hefty amount. Dun pumupunta. Pero one of the many reasons lang yun mga kaibigan,” dagdag pa nito.

Hindi aniya titigil si Greta sa ginagawang pagsawsaw kay Kris kahit marami ang nagsasabing tumigil na ito.

“No I’m not going to stop. May mga nagsasabing stop. No I’m not going to stop. You know, I am a Filipino. We all pay taxes. We all work very hard so my point is, prinotektahan ni Kris Aquino when she was in power and when she was saying, ‘I love ate Alice.’ Whatever girl, you love her so much. You know in exchange of like bags and clothes and shoes. And that’s so not fair,” pahayag ni Greta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?