36

Nov 8, 2020 @ 20:25

Kris Aquino kay Cristy Fermin: Pumatol ba ko sa mga panlalait niya?

Nagsalita na si Kris Aquino sa mga patama sa kanya ng entertainment columnist na si Cristy Fermin sa radio program nito.

Sa Instagram post ni Dindo Balares (dating entertainment writer), sinabi ni Kris na walang away sa pagitan nila ni Cristy dahil hindi naman aniya siya pumapatol dito.

“Nagsalita ba ko laban sa ‘nanay’ mo? Hinarangan ko ba ang grupo nila? Binastos ko ba ang pagkatao nya? Sa daming beses na pinagsalitaan nya ko ng lahat ng pinaka masasakit na below the belt na panlalait mula ulo hanggang talampakan – ni minsan ba pumatol ako?” ayon kay Kris.

Aniya pa, mas gusto niyang tumulong na lang sa mga Bicolano kaysa pumatol sa entertainment columnist.

Nag-ugat ang gulo sa pagitan ng dalawa matapos na ilantad ni Fermin na umiyak umano si Mr. Fu dahil kay Kris.

Ito’y matapos na sabihin daw ni Kris na siya lang at si Manay Lolit Solis lang ang gusto niyang makasama sa show na prinoduce ng Puregold at S&R dahil hindi raw kilala ng ‘Queen of All Media’ si Mr. Fu.

Dahil dito ay ayaw na raw makasama ni Cristy sa kahit anong show si Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?