179

Oct 22, 2017 @ 11:35

Kris Aquino humamig ng violent reactions sa ‘depression’ ek-ek niya

Kung big news sa Amerika ang mga bintang na pang-aabuso ng Hollywood movie producer na si Harvey Weinstein sa mga aspiring actress, ang isyu ng depression ang hot topic ngayon sa Pilipinas.

Umani ng mga batikos si Joey de Leon dahil sa pahayag nito na gawa-gawa lamang ang depression pero ito pala ang magiging dahilan at daan para mapukaw ang damdamin ng mga tao at tutukan ng atensyon ang problema na lalong naging relevant nang magpakamatay ang kapatid ni Nadine Lustre.

Humingi na ng paumanhin si Joey at inamin nito ang pagkakamali pero dapat na pasalamatan din siya dahil kung hindi dahil sa kanyang kontrobersiyal na pahayag, hindi papansinin ang isyu.

Marami sa mga artista ang nakararanas ng depression at kabilang sa kanila si Kris Aquino. Sa isang interview, sinabi ni Aquino na dumaan siya sa depression dahil sa kawalan ng television show.

“Tinatanong ko talaga sa sarili ko, ‘Hindi na ba ako magaling? Ano ba talaga ‘yung nangyari?’

“‘Yun talaga, itatanong mo talaga, ‘What’s wrong? Or is it really just because I’m being punished kasi last name ko ‘to?

“Hindi talaga ako puwedeng mabigyan ng one hour kahit once a week? May ganu’ng feeling talaga,” ang pahayag ni Kris sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal.

Bayolente at hindi pabor kay Kris ang reaksiyon ng mga tao sa mga salita na binitiwan ng TV host/actress kaya mas makabubuti na huwag na nitong basahin ang negative comments dahil baka bumalik lamang ang depression niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?