1,222

Jun 24, 2021 @ 10:09
By

Kris Aquino dumating sa ospital na pinagdalhan kay PNoy

Nagtungo sa Capitol Medical Center sa Quezon City si Kris Aquino para sa kanyang kapatid na si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Bandang alas-9 ng umaga dumating ang aktres sa nasabing ospital.

Ilang malapit din kay PNoy tulad ni dating Senador Mar Roxas ang sinasabing nagpunta rin sa ospital.

Una nang naibalita na pumanaw na ang dating Pangulo nitong Huwebes ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?