66
ABANTE kris aquino juday shoot
By

Kris Aquino dinaga sa shoot nila ni Juday

Sharing is caring!

Kinabahan si Kris Aquino sa isang project na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos na hindi na muna niyang ibinahagi sa netizen ang detalye.

Nakaposte sa Instagram wall ni Kris ang larawan nilang dalawa ni Judy Ann na parang kuha sa isang shoot.

Dito inilarawan ni Kris ang nararamdaman niyang excitement at nerbyos sa pagsasama nilang ito ni Juday.

Posibleng kay Judy Ann kinabahan si Kris lalo’t matagal syang hindi nakakagawa nang project kasama ang isang kapwa niya celebrity, at may pressure sa huli ang kinakailangang performance na ibibigay niya sa project na ito.

Kung sa paggawa nang mga commercial shoot bihasa ni Kris dahil hindi na halos mabilang ang mga TVC na nagawa niya mula nang maging star siya.

Pero ngayon lang uli nakaramdaman nang kaba ang tinaguriang Queen of All Media na ang kasama pa nya ay isang very supportive na aktres na gaya ni Juday.

@krisaquino, “It’s such a wonderful experience feeling to still be excited about new experiences…it was fun to be nervous again because it made me realize that there’s still so much I haven’t done & so much for me to look forward to. Thank you @officialjuday. Another in my career bucketlist! #grateful”.

Nagpahayag naman nang kanyang appreciation ang chef-actress sa mensaheng ito ni Kris sa kanya.

@officialjuday, “it was a happy shoot @krisaquino as always.”

Well, isang pagpapatunay lang na mabango pa rin ang pangalan ni Kris sa mga advertizers kahit wala na siya sa mundo ng showbiz.

Nakatulong nang malaki ang pagiging aktibo ni Kris sa social media at pagkakaroon ng blog para hindi lumamig ang appeal nya sa mga advertizers.

Walang gagawin si Kris kahit gumastos pa siya nang malaki hindi lang mawala ang presence nya sa mata at kaalaman nang mga netizen, mapanatili ang kanyang stature bilang isa sa mga topnotch stars ng showbiz. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?