90

By

Kris Aquino bagsak sa American TV series audition

Sharing is caring!

Bigong makuha ni TV personality Kris Aquino ang role na inaasam sa isang TV series sa Amerika.

Sa kanyang Instagram post, inilahad ni Kris na napunta umano sa ibang aktres ang role, na kanyang inilarawan bilang ‘shoot for the moon’ audition.

“i got news from @agentchrislee that my “shoot for the moon” audition for the role in a US series went to an Asian American actress,” ayon sa caption ni Aquino.

Hindi rin umano boto ang kanyang mga anak lalo na si Bimby para sa nasabing role, at dinagdag pa na hindi bagay sa kanya ang nasabing aaktingan.

“The role was for a sassy, sarcastic, sexy bartender (truth, i know- HINDI BAGAY) but i was ready to take a MIXOLOGY crash course,” dagdag pa niya.

Todo rin umano ang kanyang paghahanda, na dahil sa kalusugan ay umiwas sa alak.

“I don’t drink alcohol at all because of my hypertension, anti anxiety, multivitamin, vitamin D and iron supplement, and most importantly the 4 different antihistamines taken as daily maintenance.”

Ibinahagi naman ng ‘Queen of All Media ang mga snippet sa kanyang naging audition.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }