46
kris-aquino1

Kris Aquino ayaw sumali sa 2019 senatorial race

Sharing is caring!

Pinawi na ni Kris Aquino ang espekulasyon ng ilan na tatakbo siya sa pagka-senador sa 2019 dahil may obligasyon aniya siya sa mga produktong kanyang iniendorso.

Sa kanyang Instragram post, sinabi ni Kris na malalabag niya ang kanyang mga kontrata at kasunduan kung tumakbo sa anumang elective position sa 2019 midterm elections.

Ginawa ni Kris ang pahayag matapos sabihin ni Senador Bam Aquino na ‘sure win’ na ito kung tatakbo siyang senador sa susunod na halalan.

“Takot akong sirain ang aking palabra de honor (Word of Honor) & gibain ang pakiramdam kong mga dapat kong ipagmalaki- marunong akong tumanaw ng utang na loob at may #LOYALTY ako sa mga nagbigay ng trabaho at tiwala sa kin,” sabi ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?