By

Kring Kring type nang iwan ang politika

Sharing is caring!

Nakatsikahan namin si Mayor Cristina Gonzales-Romualdez (o Kring Kring) sa media launch ng bagong single ng kanyang anak na si Sofia Romualdez na napakagaling kumanta. Super supportive si Cristina sa 18-year old na anak na hindi lang singer kundi songwriter din.

At gaya ng ibang ina ay normal daw ang mother daughter relationship nila, at wala raw itinatagong sikreto ang anak, maski ang mga crush nito. Pero ayaw sabihin ng ina ang mga type ng anak niya at baka mag-away raw sila.

Bilang dating artista ay hinahanap-hanap pa rin niya ang pag-arte. Kaya hindi malayo na magbalik showbiz siya, pero kapag tapos na raw ang mundo niya sa politika.

Maski si dating Congressman Alfred Romualdez ay proud na proud sa achievement ni Sofia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?