15

Oct 16, 2020 @ 19:26
By

Kriminal nilulon bala para matago ebidensya

Kakaiba ang ginawa ng isang kriminal para lang mapagtakpan ang pagpatay sa isang lalaki ng kanyang kakuntsaba.

Nadakip ng awtoridad sina Victor Kaganzev at Christoper Velez bilang suspek sa pamamaril kay David Cardonick sa bahay nito sa New Jersey.

Pumunta umano ang dalawang suspek sa bahay ni David para magnakaw, at base sa assistant prosecutor ay inutusan ni Kaganzev si Velez na barilin kung sino man ang papalag.

Dito sila nakita ni Cardonick at kaagad na sinarado ang pinto, ngunit biglang kumalabit sa gatilyo si Velez at natamaan sa ulo ang biktima.

Para mapagtakpan ang krimen ay nakita umano sa security footage na nilunon ni Kaganzev ang isang bala at dalawang shell casing para matago ang ebidensya.

Kinailangan tanggalin sa pamamagitan ng surgery ang bala na nilunon ni Kaganzev at kasalukuyang nakadetine ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?