98

Nov 7, 2017 @ 16:34
By

Krimen sa mga lugar na sakop ng EPD, bumaba

Umabot ng 49.88 porsiyento ang ibinaba sa kampanya laban sa krimen ng Eastern Police District (EPD) mula 2015 hanggang 2017.

Ito ang ipinagmalaki ni PCSupt. Romulo Sapitula dahil sa mataas na porsiyentong ibinaba ng kriminalidad na kung saan ay bumaba ng 35.63% sa kaso ng krimen sa buong eastern noong 2015 hanggang 2016 at mas bumaba pa ito ng 2016 hanggang sa kasalukuyan ng 22.46% kaya umabot ang pagbaba sa krimen ng 49.88% mula pa noong 2015.

Ayon kay Sapitula, malaking tulong ang nagawa ng kapulisan ng “Pamamarisan” (Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan) sa pagsawata ng krimen sa pamamagitan ng patuloy na pag-monitor sa mga barangay katuwang ang mga bantay bayan ng apat na siyudad.

Dagdag pa nito, naging epektibo ang kanilang mga kampanya laban sa kriminalidad tulad ng checkpoint operation, Oplan Bakal, Oplan Sita, Oplan Galugad, Oplan Bulabog, pag-implementa ng warrants of arrest, buy-bust operation, confiscation of firearms, at iba pa.

Kasabay nito, hinihikayat ang mga barangay official na makiisa sa mga programa ng EPD upang tuluyang masawata ang krimen at mapanatili ang kaayusan ng Pamamarisan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?