213
Krimen sa Bilibid talamak! P30K para sa prosti, P800K sa pasugalan – ex-BuCor official
Sep 12, 2019 @ 14:56
By

Krimen sa Bilibid talamak! P30K para sa prosti, P800K sa pasugalan – ex-BuCor official

Kahit mga preso na, patuloy pa rin ang paggawa ng krimen at pagliliwaliw ng mga inmate sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado ukol sa anomalya sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor) sinabi ng dating opisyal ng naturang ahensya na may mga prosti na inaalok sa mga high profile inmate, maging mga dancer at entertainer.

“Marami pong unusual transactions sa maximum Security. Mga tilapia, nakakapagpasok sila diyan ng babae, para sa mga high profile inmates. Enjoy sila roon,” ayon kay dating BuCor officer-in-charge Rafael Ragos, na naupo sa pwesto mula November 2012 hanggang March 2013.

“Dancers, entertainers, after a while nagiging girlfriend, asawa. P30,000. Magdamag,”aniya pa.

Maging ang kidnap for ransom operation ay talamak din umano kahit nasa loob na ng bilibid ang mga preso.

“Ipapakidnap po, ang negotiation sa loob, mga P200,000,” aniya pa.

Nakakalusot din umano ang pasugalan sa loob ng New Bilibid Prison, nababayaran umano ang mga director ng BuCor ng abot sa P800,000 para makapagsugal ang mga inmate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?