61

Nov 7, 2017 @ 17:34
By

Krimen hindi mapapabayaan sa ASEAN — NCRPO

Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde Jr., na hindi nila mapapabayaan ang kanilang anti-criminality campaign ngayong abala na sila sa pagbabantay sa idaraos na ASEAN Leaders’ Summit.

Ayon kay Albayalde, may sapat pa rin silang puwersa para bantayan ang mga pampublikong lugar tulad ng transport terminals, shopping malls, airports at sea ports.

Tiniyak din nito na hindi ipagbabawal ang pagsasagawa ng mga kilos-protesta ngunit maisasagawa lang ito ng mga militanteng grupo sa mga tinukoy na ‘freedom parks’.

Ngayong araw ay nasa ‘full alert status’ na ang pambansang pulisya at aabot sa 19,000 pulis ang itinalaga para bantayan ang mga dadalong world leaders, delegado at maging ang mga pagdarausan ng mga pulong. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?