172

Nov 15, 2021 @ 19:49
By

Kredito sa pagkadakip ng mga Dargani kinabig ng ehekutibo

Inako ng Malacañang ang kredito sa pagka-aresto ng magkapatid na Twinkle at Mohit Dargani, mga mataas na opisyal ng kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang Ehekutibo ang pumigil sa pagtakas sana ng magkapatid na Dargani papuntang Malaysia.

“Ang Executive branch ang pumigil sa kanilang pag-alis galing Pilipinas. I don’t think it can be done without the cooperation of the Executive Branch, kasi ang airport is under the Executive branch,” ani Roque.

Maaari aniyang palagpasin ang magkapatid na makatakas palabas ng Pilipinas kung ginusto ng ehekutibo kaya hindi solo ng Senate Sergeant at Arms ang kredito sa pagkakasakote ng dalawang Pharmally executive.

“We abided with the rule of law, sinunod po natin ang contempt powers ng Senado kaya I’m saying it is the executive also that should be attributed to this act dahil pwede po silang pinalipad kung gugustuhin ng airport authorities,” dagdag ni Roque.

Matatandaang nagtago ang magkapatid na Dargani matapos mabuko sa imbestigasyon ng senado na hindi nagbayad ng buwis ang Pharmally.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?