26

Oct 19, 2021 @ 15:34
By

Kourtney Kardashian, Travis Barker engaged na!

Papunta na sa kasalan ang celebrity couple na sina Kourtney Kardashian at Travis Barker.

Nito lamang kasing Lunes nang ibahagi ni Kourtney ang litrato nila ng Blink 182 drummer na nasa beach at napapalibutan ng mga bulaklak at kandila.

Ayon pala, engagement na ito ng rakista sa kanya.


“Forever,” caption ni Kourtney sa kanyang IG post.

Nito lamang Pebrero nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Ayon sa ulat, ito ang unang engagement. ng bebot na kabilang sa Kardahisan-Jenner clan.

Kasalukuyang may tatlong anak si Kourtney sa dati niyang partner na si Scott Disick samantalang may 3 namang tsikiting si Travis sa dati niyang misis na si Shanna Moakler. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?