14

Nov 13, 2020 @ 14:31
By

Kouame, Ildefonso, Paras bida sa bagong Gilas lineup

Puno ng mga amateur player ang mga sasalang sa second round ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin ngayong Nobyembre.

Kung papansin, karamihan sa mga kinuhang manlalaro ay mula sa Ateneo Blue Eagles, na binabandera ng kanilang foreign player na si Ange Kouame.

Sa ngayon ay nakabinbin pa rin ang naturalization para sa Ivorian center sa Kongreso at hindi pa sigurado kung makasasalang na ito bilang naturalized player ng Gilas.

Bukod kay Kouame, sama din sa Gilas pool sina Dave Ildefonso, Will Navarro at Dwight Ramos.

Ilan pa sa tinapik ng PH national team ay sina Kobe Paras, at magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano na mga kapwa mula sa UP Fighting Maroons.

Magpapakitang gilas din sina Justine Baltazar ng DLSU, at Kemark Carino at Calvin Oftana mula sa San Beda.

Sasamahan nila sina Allyn Bulanadi, Rey Suerte, Isaac Go, Matt at Mike Nieto, na kapwa mga na-draft sa special draft sa PBA. Dagdag din sa pool ang dating UP player na si Jaydee Tungcab.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?