44

Sep 14, 2019 @ 19:12
By

Kouame, Ateneo arangkada vs FEU

Pinangunahan ni Angelo Kouame ang Ateneo de Manila University kontra Far Eastern U, 63-46, Sabado ng gabi sa second game ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Angat sa malinis na 4-0 panalo-talo baraha ang defending champions sa tulong ng 14 points, 12 boards at 3 blocks ni Kouame.

Hindi rin naman nagpahuli sina Adrian Wong at Thirdy Ravena na gumawa ng 13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod, upang ipagpatuloy ang pamamayagpag ng Blue Eagles.

Mababang produksyon naman ang ipinakita ng FEU dahil sa tig-8 points lang ang ginawa nina Barkley Ebona at Xyrus Torres habang tig-6 markers naman para kina Wendell Comboy at LJ Gonzales.

Ang Morayta-based University ay tumapos lamang ng 16-out-of-55 sa field para lumagapak sa 1-2 win-loss record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?