146

Jun 26, 2022 @ 10:08
By

Kotse, tricycle nagsalpukan, 1 paslit patay

Patay ang isang taong gulang na bata at dalawa nitong kasama matapos salpukin ng isang kotse ang tricycle na kanilang sinasakyan Binalonan, Pangasinan nitong Biyernes.

Naganap ang insidente sa national highway ng Brgy. Linmansangan.

Ayon sa pulisya ng Binalonan, nang-agaw ng linya sa kalsada ang kotse dahilan ng pagkakabangga nito sa tricycle.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jimmy Basaen (driver), ang anak niyang si Jimmark, at ang kaibigang si Adelaida Dacuag.

Kinilala naman ang driver ng sasakyan na si Darwin James Federico, 19-anyos.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang mga biktima. Yuping-yupi naman ang tricycle at wasak ang harap ng kotse.

Sinampahan na ang driver ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide.

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?