361

By

Bad omen? ‘Lucky car’ ni JV Ejercito natusta sa sunog sa EDSA

Nadamay sa malawakang sunog sa Autoplus car repair shop sa kahabaan ng EDSA ang sasakyang ng senatorial re-electionist na si JV Ejercito.

Sa tweet nito, kanyang sinabi na ang kanyang gamit na kotse sa nagdaang 10 taon ay nasunog.

“I feel sad, my car for the past 10 years, my Toyota Sequoia burned in the fire at Autoplus Car Center this morning. Feeling sentimental because we’ve been through so many battles and it was my most reliable, not to mention “lucky” car,” ayon sa tweet ni Ejercito.

Dineklarang fire under control na ang nasabing sunog na nangyari nitong Lunes bandang alas-11 ng tanghali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?