49
james-bond

Kotse ni James Bond, ibebenta sa NY

Sharing is caring!

Nakatakdang isubasta ang sasakyang ginamit ni James Bond 007 actor Daniel Craig sa pelikula.

Ang kikitain sa auction na gaganapin sa Christie’s ay mapupunta bilang tulong sa mahihirap na estudyante sa kolehiyo.

Bilang pagdiriwang umano ito ng ika-100 taong anibersaryo ng maker ng naturang sasakyan.

Maliban sa 2014 Aston Martin ni Craig, nakahilera rin sa ibebenta ang 1924 model ‘M’ Steinway piano ni singer-songwriter Carole King sa Christie’s, isang auction company sa Amerika.

Ang midnight blue Centenary Edition Vanquish ni Craig, No. 007, na may deep-blue leather interior, ay may bilis na 183 mph (295 km/h) at inaasahang maibebenta ng US$400,000 at US$600,000 sa Abril 20.

Nasa 100 Centenary Vanquish lang ang ginawa noong 2014 dahil sa 100th anniversary ng car company.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?