hyundai-tuscon
By

Kotse ni Cong. Edcel Lagman, hinatak ng MMDA

Sharing is caring!

Hinatak ng mga traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang sasakyan na pag-aari ng isang kongresista matapos na maispatang iligal na nakaparada sa kahabaan ng Scout Borromeo sa Quezon City.

Ang sasakyang Hyundai Tucson na may plakang ‘8’ ay pag-aari ni Albay Representative Edcel Lagman, at ginamit lamang ng anak nitong nakilala lamang sa pangalang ‘TJ’.

Ayon naman kay TJ, isinama niya ang kanyang driver sa condo unit sa Scout Borromeo, at hindi umano niya nasabi rito na huwag iparada lamang sa kalye sa nasabing lugar.

Sa kabila nito ay tiniketan pa rin ng MMDA traffic enforcer ang anak ni Lagman at pinagmumulta ng halagang P2, 500.

Nabatid sa MMMDA na patuloy ang kanilang isinasagawang ‘clearing operations’ at wala silang sisinuhin, elected o government officials man ang plaka ng sasakyan kung ito naman ay nakakasagabal at iligal na nakaparada sa daan.

Si Edcel Lagman ay kilalang Filipino human rights lawyer at nahalal bilang kongresista sa lalawigan ng Albay. Siya ay nagsilbi bilang Minority Floor Leader sa House of Representative hanggang 2012.

Siya ang principal author ng Reporductive Health, SOGIE Equality bill, Free Tertiary Education Act, Anti-dynasty Bill, at Freedom of Information Bill

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?