24

Jan 23, 2021 @ 19:08
By

Kotse ni Bryant aabot ng P12M

Mataas ang nagiging halaga ng mga gamit ni NBA legend Kobe Bryant sa auction, kumikita talaga ang nagpapasubasta.

Ngayon, ang 1963 Chevy Impala naman ang dadalhin sa auction at inaasahang aabutin ang halaga nito ng $250K (lampas P12 milyon).

Pina-customize ito ng misis ni Kobe noong 2006, regalo ito ni Vanessa sa kanyang mister, 2013 nang binitawan ni ‘Black Mamba’ ang nasabing Chevy.

Sa ngayon, may bid na agad na $100K ang dating kotse ni Bryant pero inaasahan na mas malaki pa ang aabutin nito na halaga.

Goldin Auctions muli ang magsusubasta nang nasabing sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?