40

Nov 22, 2021 @ 16:36
By

Kotse inararo mga tao sa parada; 5 patay, 40 sugatan

5 katao ang nasawi habang 40 iba pa ang sugatan matapos araruhin ng sasakyan ang Christmas parade sa Wisconsin, U.S., nitong Nobyembre 21.

Ayon sa mga pulisya, isang pulang SUV ang bumangga sa barikada sa parada bandang alas-4:30 ng hapon bago magsimula ang taunang tradisyon.

Base sa salaysay ng ilang bystander, ang SUV ay humarurot sa likod ng isang school marching band na nasa parada.

Dagdag pa ng awtoridad na ang ilan sa mga indibidwal ay mga bata. Narekober naman ng mga opisyal ang sasakyan.

May kabuuang 11 matanda at 12 bata ang dinala sa anim na ospital.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang hinihinalang suspek sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,