kotse-bumaliktad
By

Kotse bumaligtad sa MacArthur Bridge matapos umiwas sa nagbibisikleta

Sharing is caring!

Dahil sa pag-iwas na masagasaan ang dalawang nagbibisikleta sa MacArthur Bridge sa pagitan ng Ermita at Sta. Cruz, Maynila ay bumaligtad ang isang kotse, madaling-araw ng Martes.

Sa kabutihang-palad ay gasgas lamang sa tuhod ang tinamo ng Uber driver na tumangging magpakilala. Hindi rin nasugatan ang dalawa nitong pasahero.

Batay sa salaysay ng Uber driver, paakyat siya ng tulay nang biglang sumulpot ang dalawang nagbibisikleta na parehong may angkas.

Sa takot na masagasaan ay kinabig niya ang manibela pero tumama ang kanyang sasakyan sa Guttierez Street hanggang sa bumaligtad.

Basag ang windshield at nasira ang isang gulong ng minamaneho niyang sasakyan.

Dahil sa aksidente ay isinara ang isang lane ng tulay at binuksan lamang pasado alas-kuwatro na ng madaling-araw kanina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?