84,099
Kotse binawi, kita ayaw ibigay! Frontrow scam nilantad ng dating miyembro
Mar 5, 2020 @ 14:22
By

Kotse binawi, kita ayaw ibigay! Frontrow scam nilantad ng dating miyembro

Nireklamo ang networking company na Frontrow ng dating miyembro ng kanilang ‘millionaire’s club’ na si Dave Villanueva, na kumita na nang higit P6-million.

Sa ‘Wanted sa Radio’ ni Raffy Tulfo, dumulog si Villanueva matapos na ipagkait sa kanya ang pinaghirapang kita matapos na magkaroon ng atraso sa isang babaeng miyembro na nasaktan nito, at nakuha sa CCTV.

Saad ni Dave, pinagsisihan niya na ang ginawa sa dating miyembro, at nakipag-areglo na sa barangay at sa harap ng abogado ng Frontrow matapos na bayaran ang lahat ng hospital bill at iba pang pinansyal na pangangailangan ng babae.

Sinubukan umano niyang umalis na sa Frontrow, ngunit pinigilan ng mga may-ari na sina RS Francisco at Sam Versoza. Maging ang paghahanap umano ng trabaho para isabay sa networking ay hindi rin siya pinayagan dahil malaki na umano ang kita nito sa nasabing kompanya, at makakasama sa imahe dahil nga parte na ito ng millionaire’s club.

“Ayaw po akong pag-resignin. Naghahanap na po ako ng trabaho kasi gusto kong masuportahan na yung pamilya ko kasi ilang buwan nang naka-forfeit yung tseke ko kaso nung nag-post po ako sa Facebook na marami na akong job offer, nag-post po yung may-ari ng company, hindi daw po ako kawalan,” saad ni Villanueva.

Ngunit ang pinakapunto ng reklamo ni Villanueva ay forfeited na umano ang kanyang kita sa Frontrow, na ang dinahilan naman ay may isa siyang miyembro na pumunta ng Boracay, at nag-post sa Facebook ng paraan para makatipid sa isla sa pamamagitan ng libreng breakfast.

Hindi ito nagustuhan ng Frontrow dahil nakasama ito sa imahe ng kanilang networking company kaya tinawagan si Villanueva ni Francisco para pagsabihan ang kanyang miyembro, at nagkasundo naman umano ang dalawa na magbigay ng second chance.

Hindi nito alam na sa kanya pala ibubunton ang parusa, na ayon kay Villanueva ay abot sa P100,000 noong Oktubre, at nasa P172,000 noong Disyembre ang kanyang dapat na kikitain pa sa Frontrow na hindi na ibinigay.

Maging ang mga hinuhulugan niya kotse ay kinuha din ng Frontrow, na isa umano sa modus ay ipangalan sa kanilang kompanya ang mga sasakyan na kukuhanin ng kanilang miyembro, at kapag umalis ito ay babawiin din at sa ibang member naman papahulugan.

Pitong buwan pa lang sa networking ay nagkaroon na siya ng Montero, sunod naman ay Ford Mustang kung saan nag-down siya ng P500,000. Aniya, dati ay hindi siya pinayagan na kumuha ng sasakyan ng Frontrow, ngunit nang malaman na gagamitin ang pera pangpagawa ng kanilang bahay ay bigla siyang in-offeran na kumuha na ng sports car.

Hindi rin umano totoo na maraming miyembro ng Frontrow ang marangya ang buhay, karamihan daw sa mga ito ay nakiki-picture lang sa mga sasakyan para mas maraming mahikayat na maging miyembro.

Nilantad din ni Villanueva kung papaano siya nilapitan ng Frontrow owner na si Francisco, sinabi na pinangakuan siya ng billboard dahil nag-viral siya matapos pumogi, ngunit nilinaw nito na hindi dahil sa mga produkto ng Frontrow kaya nagbago ang kanyang itsura.

Hindi rin umano siya binayaran para sa billboard, at tanging one-year supply lang ng Frontrow product ang binigay sa kanya, at sinama sa mga international trip.

“Sa tingin niyo napapakinabangan niyo ko kasi lumabas ako sa mga TV shows, yung treatment niyo sa’kin sobrang ganda. Ngayon wala na,” saad ni Villanueva.

“Tigilan niyo na yung kahibangan niyo. Tinawagan ako ng owner niyo at gustong makuha ‘yung story ko.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?