16
views
check
By

Kotong cops sa Comelec checkpoints, binalaan

Sharing is caring!

Nagbigay ng babala si Quezon City Police District Director, Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar sa kanyang mga tauhan na magsasamantala o mangongotong sa mga motorista at makikitaan ng paglabag sa itinayo nilang Comelec checkpoikts para sa nalalapit na Barangay at SK elections sa Mayo.

Ayon kay Eleazar, hindi siya mangingiming sibakin agad sa serbisyo ang sinuman sa kanyang mga tauhan na irereklamo ng mga nahuhuling motorista na lumabag sa ipinatutupad na gun ban na kinikilan o kinotongan sila kapalit ng hindi paghahain ng kaso.

Una rito ay naglabas ng direktiba si Eleazar sa mga istasyon ng pulisya kaugnay sa paglalagay ng Comelec checkpoints nitong nakaraang Abril 14 na magsisimula ng alas-12:01 ng madaling araw.

Kasabay nito ay ininspeksiyon ni Eleazar, kasama ang ilang police at Comelec officials ang checkpoints na inilagay sa Station 1 hanggang 12 para alamin ang mga pamamaraan, at ulit-ulitin ang mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin at regulasyon ng PNP at Comelec kaugnay sa checkpoints, lalo na ang karapatang-pantao ng mga motorista

Binigyang diin-ng QCPD official na ang inspeksiyon ay limitado lamang sa ‘visual search’ sa loob ng sasakyan, at maaaring gumamit ng flashlight sa gabi maliban na lang kung ang sitwasyon ay nagbibigay ng rason para sa ‘physical search’ sa sasakyan at sa sakay nito.

“Please bear with any inconveniences that the checkpoints may cause you. It is the PNP’s mandate as deputized by the Commission on Elections to ensure safe and peaceful barangay elections. Please immediately report improper attire or behavior by our personnel at checkpoints, preferably submitting photos or videos of any transgression. You may call or text 0917-675-9747/925-8417,” pakiusap ni Eleazar sa mga motorista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?