192

Jan 29, 2021 @ 8:48
By

Kotong cop timbog sa Parañaque

Pinosasan sa entrapment operation sa Parañaque City ang isang pulis ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) dahil sa umano’y pangongotong.

Kinilala ang suspek na parak na si PSSgt. Marlon De Dios Salim na nakatalaga sa South Luzon Expressway (SLEX) sub-office.

Ayon sa pahayag ni PNP – Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) chief PCol. Thomas Frias, sa ulat ng GMA, humiling umano si Salim ng P5,000 mula sa isang complainant sa pag-areglo ng pagkakasangkot ng huli sa isang vehicular accident noong Martes sa Skyway Northbound sa Barangay San Martin De Porres.

Tumanggap din umano ang suspek ng P2,000 marked money mula sa nagrereklamo sa panahon ng entrapment operation.

Sa ngayon, si Salim ay nasa kustodiya ng IMEG habang hinahanda ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?