1,573

Nov 17, 2021 @ 17:01
By

Kostumer nangilabot! Mga ahas bumulaga sa inorder sa Lazada

Nangilabot ang isang online shopper mula sa Mariveles, Bataan matapos niyang matanggap ang inorder sa Lazada dahil dalawang buhay na ahas ang kasama sa package.

Bumulaga umano ang dalawang ahas habang binubuksan ni Are Jhae Libunao ang inorder na folding bed.

Habang binubuksan ang package, isang maliit na ahas ang bumulaga sa kanya at nang tingnan naman niya ang kabilang dulo nito, tumambad ang isa pang mas malaking ahas.

“Lazada ano to bakit may ahas na 2 sa loob jusko muntik pa kami ano to freebies,” saad ni Are Jhae Libunao sa kanyang Facebook post na mayroon nang 9.4K reactions at 21K shares.

Aniya, nakipag-ugnayan na raw ang Lazada tungkol sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?