31

Apr 23, 2018 @ 12:14

Korver nabuhayan sa Cavs, Game 4 sinikwat sa Pacers

Nakahanap ng tulong si LeBron James sa mga kakampi, at ngayon nga ay tabla na ang serye nila ng Indiana Pacers sa 2-2.

Gaya ng inaasahan, bumuhos ulit ng 32 points si James habang nabuhay naman ang opensa ni Kyle Korver sa itinarak na 18 points, kabilang na ang dalawang krusiyal na tres sa fourth quarter para ipanalo ang Cavaliers, 104-100, laban sa Indiana Pacers sa Game 4, Linggo ng gabi (Lunes sa Pinas).

Kapwa may dalawa nang panalo sa Eastern Conference first-round series ang Cavs at Pacers.

Nakarekober si Korver mula sa namintis na apat na tira at nagpakawala ng apat na 3s.

Kumonekta siya may 3:48 na nalalabi para iabante ang Cleveland, 94-93, at naingat pa ito sa 99-95, 2:29 na lang sa orasan.

Sinundan naman ito ni James ng driving, 1:52 ang nalalabi.

Nagpasok pa si Korver ng dalawang foul shots, may 14 segundo na lang para sa 103-97 lead at ‘di na pinaporma pa ang Pacers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?