13

Sep 10, 2020 @ 15:46
By

Korte Suprema kinalampag sa libreng COVID-19 mass testing

Kinalampag na ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ang Supreme Court (SC) para tugunan ang dalawang buwan nang nakabinbing petisyon para mapasunod ang gobyerno na magsagawa ng libreng mass testing para sa COVID-19.

Ayon kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, mga doktor, migrant worker, driver, estudyante, guro at iba pa kasama ang National Union of Peoples’ Lawyers, noong Hulyo pa sila naghain ng petition for mandamus para sa mass testing ng mga hinihinalang may COVID-19 at nakasalamuha ng mga positibo.

Giit nila, sa nakalipas na dalawang buwan ay lalo pang tumaas ang kaso ng COVID-19 at wala raw nagbago kahit pa nilagay ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine.

“The government did not ramp up its mass testing efforts. There is no efficient system of contact tracing. Instead, the government reiterated that its strategy is to wait for the vaccine,” pahayag ng grupo.

“It is clear that the government, even when accorded the power to implement community quarantine for six months, has mismanaged its COVID-19 response,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?